• 02 Mar 2009 /  Articles

    Registered nurse si Bebang sa L.A. Kasama nya ang kanyang ina na nagpapagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebang. Pinauwi na lang nya ang kabaong ng ina mag-isa.

    Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya nya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, “Ay naku! Tingnan mo ‘yan…,hindi sila marunong magayos ng bangkay sa Amerika! Nakwadrado tuloy ang mukha ni inay.” Upang ayusin ang ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat na naka-staple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng sulat ay mula kay Bebang:

    Mahal kong tatay at mga kapatid:

    Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa paguwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ang pamasahe. “Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko ng isipin ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod….

    Nasa likod ni nanay ang dalawampu’t apat na karne norte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na jansport na back-pack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.
    Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong mag parte-parte.Sanay hindi matunaw. Ang pokemon na stuff toy na yaposni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit na bag ay para kay Nene.

    Ate, nasa loob ng bag pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards and stickers. “Suot ni nanay ang tatlong ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa para kay Kuya, at tig=iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot nyo yan sa fiesta. Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-iisa ‘yung mga pamangkin ko at ‘yong isa ay kay pareng Tulume. Ang tigdalawang pares na Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball.

    Tigdadalawang rim ng marlbaro lights at winston reds and nasa pagitan ng hita ni nanay.Apat na jar ng Skippy peanut butter, dalawang dishwashing liquid, isang kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kili-kili ni inay. Hati-hati kayo, wag magagawan…Isang dosenang wonder bra ( Victoria Secret ata ang tatak ) na gustong gusto ni Tiya Iskang society naten, suot-suot din ni inay. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra.

    Ang rolex na na bilin bilin mo tatay, suot suot din ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband.Kunin mo agad itay. May isinikisik akong zip-loc sa bunganga ni nanay na naglalaman ng $759. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puwede na siguro sa libing yun. Yung tong na makokolekta, i-time deposit nyo kuya para pag namatay si tatay, may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kwintas, na may nakakabit pang anim na nail cutters na gustong gusto mo ditse, ay suot din ni nanay. Kunin mo agad. Ibigay mo ang isang nail cutter kay Jay na bakla sa kanto.

    Tanggalin ninyo ang bulak sa ilong ni nanay. May isiniksik akong tatlong dyamante sa bawat butas. Ibangon na lang si nanay at tiyak na malalaglag iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.Marami pa sana akong ipalalagay, kaya lang baka ma excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte parte kayo, tatay, kuya, ate, diko at ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.Pamimisahan ko na lang siya rito…

    Ang inyong mahal na kapatid,

    Bebang, R.N.

    Posted by jess @ 1:23 pm

    Tags:

Comments are closed.

Website developed by Web Designer Philippines